March 27, 2009
Tugon ng Mga Ilang Boksingero
Here are some of the responses I got from my homily "Buhay Boksing"
If you want to add and be posted here, feel free to write me at willysamson@yahoo.com
Your name will not be mentioned.
___________________________________________________________________________
Ang buhay nga ay parang boxing kailangan mong sumuntok at tamaan ang kalaban para manalo ka. Pero kailangan din ang pag-iingat at dapat marunong kang umilag para di ka mapuruhan.
Hinarap ko ang laban pagkamatay ng aking tatay, ilang buwan na ang nakalipas mahirap pala pero, wala akong magawa kundi harapin ang susunod na hamon. Sa pakikipaglaban ko sa loob ng ring ramdam ko na ang aking pagkatalo. Unti-unti akong nanghihina pero pinilit ko pa rin lumaban.
Sa Pagdarasal ko araw-araw at paghingi ng tulong sa poong maykapal at ang hindi ko pagbitiw sa kanya. Ako ay muling nagkaroon ng panibagong lakas upang haraping muli ang panibagong laban sa aking buhay.
Salamat sa mga Homily na pinadadala mo. Malaki ang naitulong nito sa akin.
- Muntinlupa
_____________________________________________________________________________
May katatapos lang akong laban. Laban ng aking kalusugan. Pero okey na man na ang resulta ng ultra sound. Pero alam niyo po ba bago pa man ako sumabak sa boxing ring napanghinaan na agad ako. Di pa nga ako sumubok lumaban umiiyak na ako. Iyak na ako ng iyak. Kahinaan ba ang pag-iyak? Sa palagay ko hindi. Kasi nangangahulugan lang naman ito na kailangan ko ng kakampi sa laban na ito. Kahit di siya tumulong sumuntok.....kahit tagasigaw lang na kaya ko.....at tagapalakpak sa bawat bitaw ko rin ng aking suntok. Pero natakot talaga ako. Hindi ako makatulog. Pero sa mga takot na iyon may bumulong sa akin na "kaya mo iyan. Maging okey ka lang. Huwag kang matakot.".....ang mga panalangin at pagtitiwala sa Kanya ang nagbigay sa akin ng lakas. At hayun nga wala naman pala akong dapat ipag-alala sa nangyari sa akin noong miyerkules. Pero dapat ko pa ring pag-ingatan ang aking sarili.
Minsan kasi di pa nga natin sinubukang lumaban taas na agad ang kamay natin. Suko na agad. At sasabihing di ko kayang lumaban. Dapat pala lumaban kahit nakakatakot kasi may Kakampi ka naman talaga. Minsan di lang natin Siya napapansin. Nandiyan lang Siya sa tabi naghihintay.
Zamboanga
_________________________________________________________________________
Dear Fr.Willy,
Sa boksing ng buhay, ako yung tipo ng tao na iiwas sa suntok, iikot lang ng iikot sa ring hanggang mag-bell at pupunta sa corner para magpalakas ulet ng loob. Sa susunod na round, iisip ng technique kung panu makakalampas ulet ng di tinatamaan, then pahinga ulet kapag nag-bell. In fairness, tumatanggap ako ng suntok minsan, pero minsan di ako bumabangon, knock out agad. Minsan din naman nananalo ako, wow sarap ng feeling…akalain mong nalampasan ko yun! Pero kahit panalo minsan, dahil ilang beses akong nasuntok, parang nakakatakot lumaban ulet.
Hanggang ngayon po, nasa training pa din ako. Ang sarap mag training kasama si Lord na coach ko. Masaya kong mag-serve sa simbahan, umattend ng retreat/seminars at kahit anung church activity na madami akong matututunan para mas lalong gumanda ang relationship namin ni Lord. Sa kahit anong laban, kumakapit ako kay Lord…alam kong di ako iiwanan ng coach ko. At idagdag ko pa ang mga taong kagaya ni Fr. Willy…dahil sa kanila alam kong di ako nag iisa.
- Zamboanga
____________________________________________________________________________
My new life here in the US has been a boxing match between me and my self. It sounds funny but yes, my greatest enemy is myself - my own temperament, my being indecisive and dependence to some extend to other people to suggest decisions for me, my impatience, my ungratefulness to God, etc...
many times of my life here, I ran to HIM for help when I am already at the cross roads or in very rough times and in most cases that my journey seems okay, I seldom thank HIM! I realized that God never it against me but since I felt the shame/guilt, I embraced negativity over things and so I made bad decisions. In turn, I ended up regreting over them.
YET, God in his HIS unconditional LOVE, He has never abandoned me here. If my mathematical mind is right, God's help/guidance/company... is enormous that I could not count them, because no matter how bad my decisions were, God still makes me feel that I am truly loved by HIM. I wrote you about "when it rains, it pours" but I feel, it should be "when God pours, HE keeps on pouring." There are many times that I thought I would ran away from the boxing ring because I could not raise my hand to give another punch to my enemy and yet when I hear the 'ting-ting-ting", I feel God's hands leading me to the seat in my corner to coach me to breath, relax my muscles, clear up my mind and then at the sound of the bell, God in HIS most loving voice saying: " I am here and I will be watching you. No matter what, I will be here waiting for you after each round!" HE continuously pours blessing no matter what I do, no matter how bad my sins are (but of course, this has never been my excuse to keep sinning- God forbids), it is just that I feel that no matter what I do, HE is always there to give me the blessings I need to survive and in most cases, the blessings again are enormous. Kahit sa dami ng ungrateful moments ko, pero isang pasalamat lang, bubuhos na kaagad ang mga grasya galing sa KANYA! nakakahiya nga, pero ganoon nga siguro magmahal ang DIYOS! Walang kupas, walang kondisyon, "walang iwanan" sa lahat ng pakikibaka ko sa buhay--Pilipinas man o Amerika, walang tigil ang buhos ng mga grasya!
Kaya heto ako, patuloy na naniniwala sa Kanyang pag-ibig sa akin kahit hindi ako karapatdapat. Pero sa patuloy na pag-galaw ng Diyos sa aking buhay, dahan-dahan ko rin nasabi sa sarili ko na "ako ay karapatdapat ding mahalin ng Diyos kahit akoy meron pagkakamali!" Ginusto ko ng isipin na hindi maging insecure sa pag-ibig ng Diyos dahil ngayon lagi kong iisipin na hindi lang ako mahal ng Diyos kundi "mahal na mahal na mahal na mahal ako ng Diyos!!!!!"
Buhay-boksing, may pahinga dahil may "ting" pero sa lahat ng pakikibaka na nagawa ko na, kitang-kitang ko Diyos at ang galaw NIYA na misteryoso---paibaiba ang style, pero iisa lang ang pinanggagalingan - PAGMAMAHAL NIYA SA AKIN!
salamat sa mga homilya mo! napakalaking tulong sa akin!
ingat ka lagi,
East Cost, USA
_________________________________________________________________________
Hirap na hirap ako sa bagong trabaho ko kasi nga hindi ako sanay sa physical work pero natutuwa ako kapag napansin ko na excited na naman akong pumasok sa trabaho tonight. 11pm to 7am ako this week pero excited akong pumasok tonight. :) Pangalawang gabi ko ito sa pagbubuhat at paglilinis sa mga pasyente para man lang maginhawaan sila habang nakaratay sa kama. Ito ang isa sa nagpapasaya sa akin dito, mahirap man ang trabaho ko pero kapag iniisip ko na maginhawaan at maibsan ang discomfort nila, masaya na ako!
My friend and I talked about my worst experience at the nursing home last week but still we ended up seeing the positive side of the experience! Amazing how different the consequence is when you look at things the positive way. Especially when the experience is hard enough for me to give in to the temptation of giving up or wallow at the negative side.
Sa buhay-boksing, mahirap ang laban kapag hindi ko kita ang kalaban o hindi ko alam ang estilo niya pero kahit ganito ang sitwasyon, tanging paniniwala sa Diyos ang nagsilbing parang butas para man lang masilayan ko kahit maliit lang na liwanag.kasi nga kahit papano, kahit gaano kaliit ang butas na yan, tila nagniningning pa rin ang liwanag sa bumabalot na dilim.
Mandilim man ang paningin ko habang nakikipag-boksing sa buhay, pero meron akong Diyos na nagmamahal sa akin, tama na yon!
salamat sa patuloy mong pagdarasal sa akin,
- USA
_________________________________________________________________________
Feel ko na rin makipag-boxing...ehehehhe
Pero kailangan ko ng trainer... hopefully sa coming holy week maka-re charge / makadasal ng mahaba-haba... sana.
Sige po. God bless.
Marikina
______________________________________________________________
Dear Pads,
Maraming salamat sa inyong reflections..hindi ko alam kung makakatulong ito,pero sa aking palagay,ito'y pagkakataon ibahagi ang aking sariling laban, at kung paano ko ito nilalabanan.
Una sa lahat, ako po'y araw-araw na nagdadasal at nagpapasalamat sa Poong Maykapal sa aking eastado sa buhay.Ako'y nagagalak na buhay ako,ang aking mga mahal sa buhay at wala akong ina-apakang ibang tao.Kung tutu-usin sa mga aspetong ito,ay okey nako.pero dahil sa tao tayo at nasa mundong ito,hindi maiiwasang makipag-sapalaran sa buhay.
Ang kalaban ko ay buhay mismo. Nakakatakot isipin na kahit anong paghahanda,pag-iisip at preparasyon ang gawin mo,wala kang garantiya na mangyayari ang gusto mo.ewan ko sa inyo,pero di ba bad trip yung may pangarap ka,may plano katapos di mangyayari?Na tipong binubuhos mo lahat pero di mo alam kung anong kalalabasan? Sa totoong lang ayokong isipin, baka mawasak pa ako.
Sa ngayon, ako'y nakikipagsapalaran sa ibang bansa.Sabi nila,mas madali raw kasing makamit ang gusto mo sa abroad.(ewan ko lang,sa sobrang pait ng realidad ngayon di mo na alam kung ano ang tama at kung ano ang dapat).Di ko alam kung ano ang mangyayari pero andito nako ngayon.Nasa loob na ng ring,wala nang atrasan,tumunog na ang bell.Fight.Wala nang mga resbak,wala ng sandata kundi sarili ko.Kaharap ko,kalaban ko,malaki na! mabilis pa!Di mo alam saan manggaling ang mga suntok niya.Mukhang dehado ako,pero sabi nga nila:"it is how you play the game".
"It is how you play the game."Sa aking palagay,ito ang dapat nasa puso't isipan natin.Alalahanin natin na binuhos at binigay na ng Diyos lahat ng pag-e-ensayo na kailangan natin para sa mga laban natin.WE ARE JUST TOO AFRAID.Sa ngayon,di ko alam kung ano ang mangyayari.Ang alam ko lang ay alam ko ang dapat kong gawin upang mangyari ang gusto kong mangyari.Ang tanong eh kaya ba nating gawin ang mga dapat nating gawin?
that is the challenge..
Sydney
__________________________________________________
Thanks Fr Willy, it is universal complaint, I bet when you do not have anything to complain about you will still be complaining about nothing. From my point of view it is not really "complaining" but "airing" ones grievances, " para bang pressure cooker, kailangan palabasin and pressure para hindi sumabog". I guess it is a coping mechanism. If you express yourself so often, one day one will listen but we know that God is always there to listen. In my job , I hear complaints everyday from physical to psychological and material, however I feel blessed for the chance to listen to others and it gives me a different perspective of my life, makes me appreciate the mundane things in my life. It gives me a chance to touch pone's hand and nod and perhaps for that moment I am in the grace of God and for that moment there is someone there to listen to another one's grief. But then again I get paid to do this perhaps if I was not it will be who different perspective.
Anyway we all need prayers and I know that you are there and all my friends and families are there to pray for my family even if I do not hear from them and vice versa
God Bless,
Sydney Man
____________________________________________
Father,
Napakaganda nitong reflection, tuloy na-inspire at lumakas akong bumalik sa gitna ng boxing court ng buhay ko upang ituloy and laban at huwag bibigay kahit ano pa man.At the same time, hintayin ang mga kaibigan ko sa side ng ring upang tulungang maghilom ng sugat at suportahan din sa kani-kanilang laban sa buhay.
Maraming salamat.
Zamboanga 1
____________________________________________
Salamat po sa pagshare nyo sa akin ng message. ang ganda. buhay nga pala ay parang boksing....:-) nabubugbog at nasusugatan tayo. at sa bawat round may pahinga at higit sa lahat may katapusan ang bawat laban. Thanks ulit ang ganda.
God Bless!
Zamboanga adzu
_________________________________________________
Dear Pads,
Salamat sa iyo at kay Mira. Kinailangan ko itong muli, mga salita na kahit alam mo na at nasa puso mo na, dapat mo paring marinig muli. I was wrong to say "at the end of the day, we are all alone". We have Kuya Jess..and that makes Him THE MAN.
IBA SIYA!
- Sydney Boy
____________________________________________
Willy,
Hi! naiiyak parin ako habang binabasa ko ang email ko, na homily mo, buhay boksing sabi mo nga. nakakaiyak talaga, sana makatulong sa mga makabasa na ganyang talaga ang buhay at ang Diyos parin ang kasama natin sa hirap at ginhawa. Salamat sa paulit ulit na pagtitiwala at pakikinig.
Its meeh,
Mira
_______________________________________________
Ang buhay nga talaga ay parang boksing. Hay,habang ako ay nagbabalik tanaw sa sarili kung mga laban ng buhay hindi ko tuloy lubos maisip kung ano ang aking dapat maramdaman. Dahil sa isang iglap lang bumalik ang lahat na masasakit na alaala, ang mga di magandang karanasan at mga taong nagdulot ng pait at pighati sa aking puso. Dahil dun hindi ko kayang pigilin ang mga luha sa aking mga mata.
Ganun pa man …..
Nanaig pa rin ang ngiti sa aking mga labi at ang galak ng aking puso. Sa bawat laban ng buhay na aking tinahak, natanto ko na kailan man ay hindi ako nag- iisa. Dahil sa bawat sandali na nais kong sumuko, may isang tunay na kaibigan na nagbibigay ng pag asa.. At sa tuwing ang bawat kamao ko ay hindi na kayang isuntok, may isang pang kamao na nagbibigay lakas.
Sa lahat ng laban ng aking buhay, damang dama ko ang wagas ng Pag-ibig ng Dios. Kaya nga natutunan ko, na kung nais kong manalo sa laban ng totoong buhay… dapat matutunan ko rin kung paano masaktan at masugatan sa bawat laban. Dahil sa bawat sakit na naidulot nito doon ko natutunan kung ano ang ibig sabihin ng totoong pag- ibig at pagmamahal. At Sa bawat sugat … may paghilom.
Ang pag-ibig at ang paghilom ang nagturo sa akin kung paano magpatawad. Sa pagpapatawad ko lamang nararanasan ang mabuhay nang payapa.
Lumaban ka!
Maraming salamat Ama sa pagbabahagi..
- Zamboanga lady.
_________________________________________
Good Afternoon po Fr. Willy,
I like it. I really like the response you’ve given to our sister.
In real situation, kung mahina ang foundation at mahina ang faith mo, the natural tendency is to get out. That is, the easiest and simplest way, to get rid of the situation. But are we really getting out of the situation? Kapag di natin hinarap ang problema, pagkagising mo sa umaga nandiyan pa rin iyan hanggat di natin natutugunan ng maayos at mahinahon. Siguro ang dapat lang, tumahimik pansamantala at harapin kung mahinahon na an gating isipan.
Oo nga naman, ang pakiramdam natin ay wala na tayong kakampi kapag di tayo hinarap at tinulungan ng iba. Di natin naiisip na sila din ay may kinahaharap na mga pagsubok kung kayat bahagya o di lubos na makatulong sa atin. We only think of ourselves not realizing that everybody have their own crosses to bear everyday and everywhere.
Its nice to know that after every crosses and when we overcome these difficulties in our life, victorious ang Panginoon and He is happy when we stick to HIM despite these hardships at wala ngang nagwawagi sa taong sumusuko o umaayaw. So regardless of the situation, we need to face all challenges in life, keep hoping, keep the faith, keep close to the Lord and keep on praying.
Salamat po.
- New York, USA
_______________________________________
This is also very appropriate and good to share to our members who wanted to back out and cease serving just because one or two unloving people are coming in to the leadership. While I confirm the difficulty whenever this person is around, nothing we can do to get rid of him as he was voted by the people. The only way now is to learn to love the person and try to befriend him as we feel God allowed it to happen for a purpose.
- New York, USA
_____________________________________________
Hi Fr. Willy :)
Thank you po sa mga homily na shina-share nyo samin. Halos lahat naman ng homily na pinapadala nyo para kong binabatukan hehehe. Thank you po at sobrang enlightening ng mga pinapadala nyo.
Tama din po kayo na maski yung reflection ng ibang tao nakapagbigay ng lakas ng loob sa isat-isa. Na di ko aakalain na may mas malas at mas malungkot pang tao kesa sakin, kaya lalakas ang loob na lalong harapin ang buhay kasama si Lord.
Sige po, ako din gagawa ako ng buhay boksing ko :) It's also a healing for me when I share my shortcomings and struggles in life. Mahirap yung nahihirapan ka na pala di mo pa pinapansin, how can we open up to the Lord's healing if we don't acknowledge the pain.
God bless you always Fr.Willy,
Zamboanga 2
________________________________________________________________________
Jesus was the ULTIMATE boxer...he took all the blows, bruised, battered and heavily bloody.... He accepted it all till death. Were we there for Him as a friend at the bottom of the Cross to nurse Him back to health and give Him our support and loyalty? Or did we choose to be by-standers just waiting for a miracle to happen? Sometimes it's easy to take the "safe" approach of watching from the sidelines and see how things unfold.
- Chatswood, Sydney
___________________________________________________________________________
Dear Fr. Willy,
I am sharing with you my own greatest fight in life. I am inspired to write when I read (in your blogspot) that there are so many people who have been victorious in their boxing struggle in life.
In December 2006 after five years of being married (still childless) I came to know of a devastating reality. My ultrasound result (which my Ob asked me to undergo) revealed the most painful punch that I have ever in my life. The result said that there is a thin lining dividing my endometria thus giving me a very slim chance of bearing a child in my womb. When the OB told me this, I was dumbfounded. I couldn’t breath. I felt a big thumped on my chest. The Ob ended the consultation with “just pray harder.”
On our way home, nobody talked about it. I brought this heartbreaking truth in my sleep. I had nightmare that night. My husband woke me up because I was crying too loud. Then, I realized that it was in my sleep that I was able to pour out my hurt. I just couldn’t bear the pain. The pain was just too enormous for me. My husband embraced me so tightly and affirmed his love for me even if we can’t have a child.
This particular situation brought me to a different kind of fight. I tried to figure who’s to blame (if this is the right word) in my predicament. Who was my opponent in this particular fight? I turned to God. I ask Him “why Lord? Why me of all people. Why deprived me of your greatest gift? Why deprived me of the gift of motherhood?”
After pouring out these questions to God, I stopped crying and even stopped talking about it. I tried to ignore the pain. I got tired of feeling the pain, likewise got tired of asking the WHY questions. And I told myself who am I to go against God.
I went on with my life. But deep inside me, I was broken. I suffered enough from the blow of this reality. I felt incomplete. I felt so alone in the middle of a boxing ring still trying to win the fight. But I lost. I was on my knees telling God that I surrender. Di ko na kaya ang sakit LORD. Then I fell down. After a while, He picked me up in the middle of the boxing ring defeated in this fight. Wounded and broken. He brought me to the ringside and started telling me that “ I still love you my child even without a child.” He still loves me despite my imperfections and my incompleteness. It was in this particular moment that I opened the issue again to HIM. I disclosed to Him my innermost hurts and feelings. While doing this, I cried a lot. (I haven’t cried in months). After weeping, I felt unburdened. I felt a dagger was being removed from my heart. Though I didn’t feel whole again, I believe that God is taking me to the process of healing my deep wound.
I am in the process of healing when I SURRENDERED myself to God. Now I realize, that putting your hands up in a fight does not mean you’re defeated. Surrendering in this particular fight (to me) means yielding to the WILL of GOD. It does not at all mean losing the fight……to me it is victory with God.
I have a different perspective of life now. Sometimes, it takes a situation for us to understand more deeply the realities and mysteries of life. Likewise, this circumstance helps me arrive at a deeper understanding with God and myself. Fr. Willy, you told me this “Understanding my humanity is leading me to understanding God’s divinity.” I see things differently now. My being childless has brought me to a reality that God is leading me a different life, a life with HIM. In fact, graces are slowly unfolding in front me…….maybe later giving me the answer to my WHY questions. I know that in all of these experiences lie purposes and deeper meaning of my existence.
Fr. Willy may I take this opportunity to thank you for also being there at the ring side. Thank you for helping me transend in all of the pains that I have. Salamat sa iyong mga panalangin. Sana’y di kayo magsawa sa mga kwento ng buhay ng tao (tulad ko.) :-D
______________________________________________________________________
I’m a mother of two kids, parehong babae, my eldest is almost three years old and my youngest is 6 months old. Ito ang boksing ng buhay ko…
Round 1: I’m staying with my in laws, we have our own room but we share the same kitchen and dining room. Araw-araw, nakikita ko ang dalawang sister in law at father in law ko. Ang isang sister in law ko ay married, may dalawang anak, pero hiwalay siya sa kanyang husband. Ang isa ay single.
Sa married na sister in law ako nahihirapan. I don’t like how she disciplines her daughters: one is 2 years old and the other one is one year old, pinapalo niya palagi at sinisigawan pag may ginawang mali o makulit ang mga anak niya. Mahirap kasi nagluluto o kumakain kami sa dining room, nakikita ko at nakikita ng anak ko. Isang beses nakita ko sa mukha ng anak ko yung takot. Naawa ako sa anak ko. Paminsan ayaw na niyang pupunta sa kusina kasama ng yaya niya.
Sa mga sister in law ang marihap, they communicate each other using Chinese language, most of the times I can not understand, but I can feel they talk against me or against my husband. Paghindi ko kasama husband ko sa dining table, hindi na lang ako kakain. Kasi hindi man ako komportable. At pinaka masakit ang nakikita ko, sinisigawan nila ang father in law ko, pag nag-aaway sila, nakikita yun ng anak ko. Para sa akin they should respect him, even though they feel they are right. They can talk in a nice way or in a low voice, they should not shout to their father. Ayokong lumaki ang anak nakikita yun.
Inisip ko na lang, siguro ganun ang sister in law dahil hiwalay sila mag-asawa at wala siyang trabaho. I prayed that she can handle her own problems positively and not hurting her own daughters.
I have talk to my husband regarding these problems; we are looking for a house to stay. But my father- in- law talk to him, can we stay maybe for another 2 to 3 years with him, because he wants my husband to take care of him rather than my sister in laws. I agreed to stay. Alam ko man kaya ko tong problema, my kasama ako Si Lord at ang asawa ko. Ilang tulog lang yan.
Round 2. How to discipline our children. Lumaki ako pinapalo kami ng tatay ko, pag may kasalan ako o may kasalanan ang mga kapatid ko. Ayoko ganun paraan e disiplina ang mga anak ko, dahil para sa akin nagkakaroon ng trauma. Same with my husband, pinapalo din siya mg mama niya. I have learn from one doctor and a mother the best may to discipline your child is through face the wall, afterwards explain to her why mama or papa gets angry or ano mali ang ginawa niya, then hug her to assure her we still love her. Ok na naman ganun, dahil maintindihan ng mga anak natin kung bakit. Husband ko kasi pag galit na talaga siya pinapalo niya at nagbibitaw ng masasakit na salita. Sabi ko sa kanya e correct ang mali niya, hindi yung bitawan ng masasakit na salita “malas ka sa buhay ko”, “demonya ka”. Masakit para sa isang nanay marinig yun, kasi blessing ang mga anak. Ang panganay naming anak , she is a answered prayer, she is a gift nung birthday ko. O makikita mo may pasa ang anak mo. I prayed habaan niya ang pasesya niya at sana we can agree on how to discipline our children. Mahaba pa itong round ng boksing ko. Alam ko kaya ko to walang imposible pag kasama ko si Lord at si Bro Jesus. Marami pang boksing rounds pa mangyayari hindi parin tayo dapat susuko.
My latest miracle is my youngest daughter, I got sick during my pregnancy “similar siya sa measles”, sabi ng doctor ko my side effect yung sa baby. Either mabibingin siya o magkaroon ng cleft lips. I cried a lot, palaging man ako nagdadasal, pero that time, I prayed for the safety of my baby and she will be fine. One day I saw Fr. Willy sa campus, sabi niya sa akin, pray to God she will be ok, walang imposible sa Dios, and talk to her she will be fine. Isipin ng walang samamang mangyari sa kanya. “Think positive everyday”. Nag ultrasound ako sa eight month ng pagbubuntis ko, sabi ng doctors ok ang baby ko, pero hintayin natin paglabas para malaman natin yung other side effects “deaf”. Paglabas ng baby ko, ginawa lahat ng check up sa kanya. Praise God OK ang baby ko. Now she is on her six months, malusog at malikot. Masayahin baby. . Thank you Lord and thank you din Fr Willy sa prayers.
________________________________________________________________________
… kung gusto mong magdagdag ng iyong karanasan sa boksing ng buhay …
Huwag mahiyang sumulat sa akin …. willysamson@yahoo.com
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment