March 26, 2009

Buhay Boksing


Friday - 4th Week of Lent
John 7:1-2; 10.25-30 "Is he not the one they are trying to kill?"


Allow me to share a different homily ... in a creative way.
This is a real exchange of email between me and my friend in Manila.



Dear Willy,

Hi! talagang loaded ang lola hindi lang sa weight, pati sa labas at loob hehehe!!....alam mo nagsusumigaw ang loob ko. I'm loaded Lord!!!...naisip kung makipagkita kay Fr. Mario, hintayin ko siya pagkatapos niyang magpakumpisal, hehehe alam niya ata na hinihintay ko siya, sabi agad niya, dami niya ginagawa, kaya pa-schedule nalang ako sa kanya hehehe galing talaga diba.

Kasi ang pakiramdam ko kailangan ko ng tagapakinig, nang masusumbungang tao, na tatapik sa akin, masayang balita walang taong puwede, kasi lahat ay busy. Kaya iyon balik pa rin ako kay Hesus. Kasi sabi ko kay Hesus… pwede ka bang bumaba muna sa Krus, tapos usap lang tayo, kasi lagi ka na lang diyan sa Krus, sagot niya, “E ako mismo loaded sa problema ng mundo.”

Saan nanggagaling ang aking pagka-loaded? Sa pamilya, si mama mga ilang araw na ring sinusumpong ng hika. Mahirap talaga. Nakaka-awang tingnan at saka ang gamot araw araw mahina ang P200. Sa gamot niya ... ako lang ang nag-aasikaso kasi di ko maasahan ang aking mga kapatid. Sila rin hirap. Okay lang kahit nahihirapan ka , pero meron namang magandang resulta, e kaso para kang binabaon sa kahirapan. Asar talaga. Iyong bang sunud-sunod na hirap, walang bigas, pang-ulam at iba. Sabi ko bakit ako lang ang nagpapasan nito? Nakakainis talaga. Tapos wala ka nang malapitan kasi nautangan mo na rin lahat. Haay naku, nakakaiyak talaga.

Nakakatulala, nakakapanghina ang ganitong sitwasyon, pero tuloy lang ang buhay. Tapos paglabas mo ng bahay, asar, sobrang init. Pag-loaded ka mas madali mag-init ulo o ma-high blood, para bang pwede kang kumain ng tao, sobra talaga ang tensyon ko.

Pag dating ko naman dito sa opisina, meron akong kaibigan, galing din sa loaded situation at nag-share. Hala gusto ko nang sabihin, I'm out of order hehehe, pero makinig na lang, ngiti tapos wala lang, o di ba ang galing ng pang-asar. Para bang crossessssss is on the air, hay naku, in na in na ako sa holy weeek.........,

Buti nalang may email. Kaya sabi ko makasumbong nga kay Willy, bahala siya busy o hindi tapos bigla kang nag-HI sa YM.. Sobra talagang mapagbiro ang tadhana.

Alam mo parang may allergy na ako sa salitang BUSY, kasi lagi akong nasusupalpal niyan, sinusubukan ko rin naman intindihin ang mga tao, pero nauuwi rin ako sa pagka-asar at pagdaramdam. Pakiramdam ko para akong nanghihingi ng limos at walang nagbibigay ng limos. Kumikitid ang aking pang-unawa, nagagalit at napipikon ako sa kabila ng pagsusumikap kung maintindihan ang laht at ang aking sarili. Pasensiya na ha masyado lang akong pranning ngayon.

O sige na, maraming salamat sa iyong pagbibigay pansin.

its meeh,

Mira



---------------------------------------------------------------------------


Dear Mira

Dama ko ang bigat ng iyong email ...halos lagnatin ang aking puso habang binabasa ko ang bigat ng iyong dinadala ngayon ... Hindi ko na rin alam ang sasabihin sa iyo ... kundi ang sabihan ka na HUWAG BIBIGAY.. hay naku.. ganyan naman ata talaga ang buhay .. parang boksing ... kapag nag-ting-ting na ang bell ... pupunta ka na sa gitna ng ring upang makipabakbakan na naman sa buhay ... ng nag-iisa. Alam naman natin na sa huling pagtutuos ... ikaw at ang Diyos lamang ang lalaban sa boksing ... ang ating mga kaibigan, laging nariyan lang sa corner ...naghihiintay ng tapos ng round upang magbigay ng kaunting inspirasyon, maglagay ng kaunting gamot sa mga pasa at sugat na ating inabot sa boksing ng buhay, tapos bibigkasin lamang ang salitang …KAYA MO YAN PARE KO!

Pero alam mo, ang maganda ng boksing ...may katapusan ... at ang nagwawagi e yung mga boksingerong kahit na bugbog sarado sa kalaban, kahit na dehado .. matatapos pa rin ang round ng nakatayo ang dalawang paa. Hindi ba ito ang mahalaga sa boksing ... ang manatiling nakatayo? ... sumuntok ng sumuntok ... at habang nasusugatan ...dapat lalong tumapang . Sa buhay natin ngayon, bawal ang duwag ... hindi nagtatagumpay ang mga taong duwag ... walang boksingerong tumakbo sa kalaban … kaya laban lang kaibigan ...kahit na sangkaterba ang bukol at pasa, kahit na naliligo sa dugo ang iyong mga mukha sa suntok ng kalaban ...laban lang ...suntok lang … pasasaan ba't matatapos din ang boksing ...at kapag natapos na ang boksing ...asahan mong may mga kaibigan na naghihintay sa iyo. Huwag ka ng magtampo sa mga kaibigan mo … huwag mong asahan na lagi kang sasamahan ng iyong mga kaibigan sa iyong boksing ... magandang imulat ang mga mata at malaman na meron din silang sariling boksing ng buhay na dinadaanan.

S huling pagtutuos .. ang Diyos ang tunay nating kasama sa boksing ng buhay. Kaya’t huwag magdamdam na wala ang mga kaibigan. Huwag mo silang sisihin, may boksing silang sarili. Malungkot ding bumalik sa ating corner pagkatapos ng isang round o pagkatapos ng lahat ng rounds … na wala kang babalikang kaibigan na magpapagaling ng iyong sugat.


Isang taga-hanga at naghihintay sa iyong corner,

Willy

No comments:

Post a Comment